8

By

Marikina River nananatili sa 2nd alarm, libong pamilya nailikas

Sharing is caring!

Nananatili nasa ikalawang alarma ang Marikina River bunsod sa pagragasa ng buhos ng ulan dala ng bagyong Ompong.

Batay sa update ng Marikina Rescue 161, nasa 17 meters pa rin ang water level ng ilog base sa huling tala ng alas-3 ng hapon, Setyembre 15.

Habang naging maagap naman ang pamunuan ng Marikina dahil agad na ipinalikas ang mga residenteng naninirahan malapit sa ilog at dinala sila sa evacuation centers.

Sa kasalukuyan, nasa 3,591 pamilya o nasa 18,024 indibidwal ang nasa evacuation centers na matapos manalasa ang bagyong Ompong na kung saan halos lahat ng mga barangay sa Marikina ay apektado ng pagbaha.

Sa Tanong High School, pansamantalang nanunuluyan ang may 53 pamilya o 262 katao, sa Leodegario Victorino Elementary School ay may walong pamilya o nasa 30 indibidwal ang nasa evacuation center.

Isang pamilya lamang na may apat na indibidwal ang nasa Kalumpang Elementary School, 25 pamilya sa San Roque ES na may 104 indibidwal, sa Malanday ES ay may 855 pamilya o nasa 5254 individuals at sa Concepcion ES ay may 303 pamilya o nasa 1776 indibidwal.

May 45 pamilya o nasa 220 indibidwal ang nasa Parang Elementary School, sa Sto. Nino ES ay may 94 pamilya na may 380 indibidwal, sa Marikina ES ay may 52 pamilya at nasa 240 indibidwal, Bulelak Gym ay may 103 o nasa 514 katao, sa Concepcion Integrated School ay may 678 o nasa 3231 katao ang nasa evacuation centers at sa Marikina HS ay may 21 pamilya o 101 indibidwal.

Sa Our Lady of the Abandoned Parish ay may 12 pamilya o nasa 48 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa simbahan, H. Bautista ES ay may 567 pamilya o nasa 2513 katao, Pamantasan ng Lungsod ng Marikina ay may 216 pamilya o nasa 1323 indibidwal, sa Nangka ES ay nanunuluyan ang may 558 pamilya at nasa 2024 katao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?