8

Jan 12, 2021 @ 18:26
By

Marikina, QC nakitaan ng pagtaas ng COVID-19 case

Patuloy sa pagtaas ang kaso ng coronavirus sa Metro Manila matapos ang pagdiriwang ng holidays kung saan tinukoy na “local government unit of concern” ang Marikina City.

Ayon sa OCTA Research Team, tumaas ng 127% ang COVID-19 case sa Marikina City kumpara sa nakalipas na linggo.

Ang lungsod din ang may pinakamataas na positivity rate sa iba pang Metro Manila LGU sa 11%.

Samantala, ang Quezon City ang nakapagrehistro ng pinakamataas na bilang ng bagong infections kada araw sa nakalipas na linggo sa 76, sumunod ang Manila (46), Pasig (29), Parañaque (25) at Marikina (25).

Nananatili namang “low-risk area” ng COVID-19 ang lungsod ng Caloocan.

Nitong Enero 12, kabuuan nang 491,258 ang COVID-19 case na naitala sa Pilipinas, 23,532 ang aktibo; 458,172 ang gumaling habang 9,554 ang namatay sa sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?