6

Jun 11, 2021 @ 15:32
By

Marikina Mayor Teodoro: Herd immunity mabilis kung may bakuna

21 araw — ‘yan ang tantsa ni Marikina Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro para maabot ang herd immunity sa kanilang lungsod.

Ayon kay Teodoro, hindi sana magtatagal ang vaccination rollout sa Marikina kung sapat lang ang supply ng bakuna sa lungsod.

“We have the facility and the doctors but we need the supply of vaccines. At 10,000 a day, we can have herd immunity in 21 days,”  saad ni Teodoro.

Ayon pa sa alkalde, aabot na sa 95,000 Marikenyo ang nabakunahan na, 40 percent ng mga rehistradong senior citizen ang naturukan.

Ngunit nagkakaroon ng problema dahil sa shortage ng bakuna sa Marikina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?