96

Mar 11, 2020 @ 12:26
By

Marikina may 5 kumpirmadong kaso ng COVID-19

Kinumpirma ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na lima sa 33 na nagpositibo sa coronavirus ay galing sa kanilang lungsod.

Sa panayam kay Teodoro sa Unang Balita, sinabi nito na nahawa ang asawa at ibang kasambahay ng Amerikano na nagpositibo sa COVID-19.

“Isang kaso nga lang meron tayo sa Marikina. Pero bago matapos ang araw umakyat ito sa lima. ‘Yung apat na under investigation natin, nag-positibo. Within the same family sila,” ayon kay Teodoro.

Ang nasabing Amerikano ay nanggaling mula Amerika, at bago bumalik sa Pilipinas ay dumaan muna sa South Korea noong February 19.

“Tapos, March 6, pinasok sa hospital dahil na-diagnose nga na may pneumonia. March 9, na-confirm na confirmed case siya,” saad pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?