18

Dec 24, 2020 @ 12:50
By

Marikina kanselado bonggang concert, paputok bawal din

Hindi na muna idadaos ang taunang concert sa Marikina City tuwing sasapit ang Bagong Taon.

Ito’y inanunsyo ni Marikina Mayor Marcy Teodoro dahil na rin sa banta ng COVID-19 pandemic sa buong bansa.

Bukod pa dito, hindi rin muna papayagan ang mga fireworks display para maiwasan ang mass gathering.

“Ngayon, iyong mga community- based fireworks display, dini-disallow muna natin kasi it constitutes mass gathering, so iyong health protocols dapat mai-maintain natin para sa ikabubuti ng lahat,” saad ni Teodoro.

“May IATF guidelines for that pero, more importantly, para sa Marikina is the safety of our constituent against COVID-19 aside from the accidents that might happen from the use of unregulated firecrackers,” aniya pa.

Umaasa naman si Teodoro na muling makabangon ang Marikina sa 2021 matapos ang dinanas na pandemya at kalamidad.

Sa ngayon ay mayroong 168 aktibong kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod, ayon sa Marikina Public Information Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?