103

Mar 8, 2020 @ 19:44
By

Marikina 3-araw walang pasok vs coronavirus

Dahil sa pangamba sa coronavirus (COVID-19), tatlong araw ang idineklarang walang pasok sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Marikina City.

Ito ang inilabas na report ng Marikina PIO simula Lunes (Marso 9) hanggang Miyerkules (Marso 11) at kanselado ang lahat ng klase sa mga paaralan para bigyang daan ang malawakang pagdi-disinfect ng lahat ng paaralan.

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, ito ay gagawin bilang pangangalaga sa kalusugan ng mga mag-aaral at maiwasan ang posibleng paglaganap ng COVID-19.

Kasabay ang pagbibigay ng payo sa lahat ng Marikenyo na manatili sa loob ng ating mga tahanan at iwasan ang hindi kinakailangang pagpunta sa mga pampublikong lugar at sa maramihang pagtitipon.

Ugaliin din ang paglilinis ng katawan, lalo na ang mga kamay na siyang unang nakakahawak ng mikrobyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?