10

Nov 13, 2020 @ 18:37
By

Marikeño nabagsakan ng pader, tigok

Todas ang isang 33-anyos na residente ng Provident Village sa Marikina City matapos mabagsakan ng gumuhong pader nitong Biyernes.

Sa ulat, kinilala ni Marikina Police chief Col. Restituto Arcangel ang biktimang si Danny Taasine.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nagtungo si Taasine sa likod ng kanyang bahay dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang aksidenteng bumagsak sa kanya ang pader.

Isang witness umano ang sinubukang iligtas ang biktima pero bigo dahil sa malakas na agos at mataas na tubig-baha.

Nagpasaklolo ang witness sa barangay na nagresulta ng pagkarekober ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa bangkay ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?