458

Oct 7, 2021 @ 17:59
By

Marijuana party-list tatakbo sa 2022

Naghain ng kandidatura para sa 2022 elections ang kauna-unahang Medical Cannabis Party sa Asya.

Ngayong Huwebes nag-file ang Medical Cannabis Party (MedCann Party) ng kanilang certificates of nomination and acceptance (CONA) sa Commission on Elections upang makakuha ng puwesto sa Kongreso bilang party-list.

Ayon kay Medical Cannabis Party Chairman at first nominee Atty. Henrie Enaje, isusulong nila na maging legal ang marijuana bilang gamot sa bansa.

“We are bound and united together to advance the right of the Filipino people to safely access cannabis medicine in the country. Join us in our advocacy to change the laws to allow legal and safe access to medical cannabis,” anang MedCann Party.

https://www.facebook.com/MedCannPartylist/posts/170117701957898

https://www.facebook.com/MedCannPartylist/posts/169944081975260

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?