8

Mar 8, 2021 @ 18:38

Marijuana nasabat sa Isabela, 2 kelot kalaboso

Timbog ang dalawang suspek matapos mahulihan ng hinihinalang marijuana sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon, Isabela nito lamang Sabado.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Anwar” at “Elson” na nahulihan ng higit P15 milyon halaga ng marijuana.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nasabat din sa loob ng sasakyan ng mga suspek ang ilang baril, bala, 125 bricks ng hinihinalang marijuana at dalawang plastik ng shabu.

Kasalukuyang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang dalawang magkasabwat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?