270

By

Mariel sumuko kay Inday Sara

Sharing is caring!

AYAW na ni Mariel de Leon na magsalita tungkol sa isyu nila ni Mayor Sara Duterte-Carpio.

Nagulat lang kasi ang mag-inang Sandy at Mariel de Leon nang dumating sila ng bansa galing Japan nu’ng kamakalawa ng gabi nang sinalubong sila roon ng media para interbyuhin tungkol sa mga huling post ni Mayor Sara.

Pinabulaanan lang ni Mariel ‘yung naibahagi ng Davao City Mayor sa kanyang Facebook account na pinagtawanan daw siya ng grupo nina Mariel, at nag-make face pa raw ito sa kanya nung nagkasabay sila sa isang event sa SMX Convention Center ilang buwan nang nakaraan.

Ayon sa kuwento ng ilang taong malapit kay Mariel, matagal na raw ang event na iyun na nakasabay nilang mga Binibini winners si Mayor Sara na nag-cut ng ribbon.

Malayo raw sila kay Mayor Sara at sa dami ng mga tao, mainit na raw ang lugar, at nagtatawanan daw silang mga beauty queens dahil sinabi raw ni Mariel na madaling pawisan ang kili-kili niya dahil sa init.

Wala raw sinabi si Mariel laban kay Mayor Sara, o nag-make face pa ito dahil malayo nga raw sila sa kinaroroonan nito.

Kaya nu’ng tinanong uli ito kung ano ang masasabi niya tungkol sa mga ipinost ni Mayor Sara, “There’s nothing more to say. Except that I wish her well, and God bless us all,” pakli ni Mariel. (Goergy Rula)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?