487

Oct 20, 2017 @ 12:48

Mariel Rodriguez, napabayaan ang katawan dahil sa anak

Tuluyan na talagang tinalikuran ni Mariel Rodriguez ang dati niyang pangangatawan noong hindi pa siya nagbubuntis at nanganganak.

Sa kauna-unahang pagkakataong nagpakita na ang nasabing misis ni Robin Padilla ng kanyang full photo sa family photo nila ng kanilang anak na si Isabella sa Instagram account na may profile name na @teamrobinpadillaglobal, karga-karga ni Mariel ang anak habang nakahawak naman si Robin kay Isabella.

Dalawa ang larawan. Ang una ay nakatayo ang tatlo, at ang ikalawa ay nakaupo sila sa gilid ng pool habang karga-karga pa rin ng dating TV host ang baby.

Nakakagulat ang malaking pagbabago ni Mariel sa loob lamang ng mag-iisang taon mula nang magsilang ito ng sanggol.

Ang laki ng itinaba ng TV personality na malayo sa kanyang pigurang kinaiinggitan ng kapwa niya mga artista.

Lumaki ang braso nito, lumapad ang balakang at halos hindi na makikita ang dating seksing Mariel.

Pero taglay pa rin nito ang ganda na siyang sumungkit sa puso ni Robin.

@teamrobinpadillaglobal, “Having somewhere to go is home. Having someone to love is family. Having both is a blessing. #family #robinpadilla #marielpadilla #isabellapadilla #teamRPG.”

Ito ang sinasabi ni Robin sa kanyang post sa IG ng close-up photo ng asawa, sa kanilang kauna-unahang date matapos itong manganak, na tinalikuran ng kanyang misis ang sarili para lang sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Pinuri ni Robin si Mariel sa dedikasyon nito na maging hands-on mom kay Isabella.

Sa naunang mga photos ni Mariel, kung hindi half-body, long shot lang ang kuha nito. Sa photo opt nilang tatlo nina Toni Gonzaga at Bianca Gonzales nakatago ang TV host sa likod ng huli.

Isa si Mariel sa mga huwarang ina na hindi alintana ang paglaki ng pangangatawan para sa pag-aaruga sa kanilang anak. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?