23
ABANTE mariel padilla galit instagram robin
By

Mariel pinaiyak ng anak ni Robin

Sharing is caring!

NAGING malapit si Mariel Rodriguez sa mga anak ng asawa niyang si Robin Padilla.

Kaya napaiyak siya nang makatanggap ng letter mula sa eldest daughter ni Binoe na si Queenie.

Nakapaloob sa sulat ang pasasalamat ni Queenie at kung gaano niya na-appreciate na naging bahagi ng kanilng pamilya ang mahusay na TV host-actress.

Bago natapos basahin ang letter ay tumutulo na ang kanyang mga luha.

Ayon kay Mariel, nandyan lang siya palagi para suportahan ang mga anak ni Robin.

Bilang stepmother, naiintindihan niya kung ano ang nararamdama ng Padilla children.

Sambit niya: “Kasi ako, may step-mother din ako. Inisip ko lang lagi na ‘yung position nila, position ko din iyon so alam ko ‘yung pakiramdam. Lagi kong iniisip kung ano ‘yung mas maganda para sa kanila.”

Pinuri at malaki ang paghanga ni Mariel sa former wife ni Binoe na si Liezl Sicangco dahil napalaki nito ng maayos ang mga anak.

“Kahit minsan hindi sila nagpakita ng masama sa akin. That’s because of their mom. Maraming maraming maraming salamat,” pagtatapos ni Mariel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?