271
Mariel lalong hinangaan si Digong sa Malacañang dinner
By

Mariel lalong hinangaan si Digong sa Malacañang dinner

Memorable para kay Mariel Padilla ang pa-dinner sa Malacañang dahil ito umano ang unang beses na naimbitahan siya ng Presidente sa Palasyo.

Sa kaniyang Instagram post ikinuwento ni Mariel ang mga nangyari sa naturang dinner kung saan lalo niyang hinangaan si Pangulong Duterte.

“The room was filled with celebrities who supported him both silently and openly. When the President arrived he sat down and immediately said, ‘magtatlong taon na akong presidente ngayon lang ako makapagpasalamat sa inyo’,” panimula ni Mariel.

Aniya, lumuwas pa mula Davao si Madam Honeylet para makasama sa thanksgiving dinner.

Espesyal na menu umano ang inihanda para sa kanila ng Pangulo.

Pinakana-touch umano si Mariel at lalong humanga sa Pangulo nang sabihan ang kitchen staff na maghanda ng isda para kay Robin at sa kaniya.

Nang ihain na ang isda ay gusto rin umano nina Freddie Aguilar at misis na si Jovie ng isda dahil Muslim din ang mga ito.

Dahil sa pagiging gentleman ibinigay ni Robin ang ulam niya kay Jovie.

“Sige kumain na kayo hintayin ko si Robin,” sabi umano ng Pangulo.

“He really waited for Robin’s food to arrive. I know maliit na bagay but di ba it’s the little things that matter. Super nakakatuwa at nakaka touched talaga. Yung loyalty ni Robin kay President ay hindi sayang because it is reciprocated with kindness,” kuwento pa ni Mariel.

View this post on Instagram

A memorable evening for me courtesy of President Rodrigo Roa Duterte and First Lady Honeylet. PRRD is not the first President that I campaigned for but he is the first President to invite me to the palace. The room was filled with celebrities who supported him both silently and openly. When the President arrived he sat down and immediately said “mag tatlong taon na akong presidente ngayon lang ako makapagpasalamat sa inyo.” Madam Honeylet flew in from Davao just to be at the thanksgiving dinner and she flies back to Davao the next day, during her introduction speech she mentioned that they are not really fond of hosting parties… so i knew it was a special night! On the menu was salad, mushroom soup, fillet mignon and strawberry cheesecake. The menu was a special request made by the President himself “sabi ko ibahin naman ang pagkain. Kasi ang pagkain talaga dito isang ulam, kanin at sabaw. Sabi ko gawin espesyal.” My favorite moment of the evening that made me admire our President even more… the fillet mignon was wrapped in bacon so in advanced the kitchen staff prepared fish for Robin and I. When our fish arrived Senatorial candidate Freddie aguilar and his wife, jovie, wanted fish as well because they are muslims too. Robin being the gentleman that he is gave his fish to Jovie so she could eat ahead. The whole table was prompted to eat all except for Robin, Ka Freddie and PRRD. He said “sige kumain na kayo hintayin ko si Robin” and he really waited for Robin’s food to arrive. I know maliit na bagay but diba it’s the little things that matter. Super nakakatuwa at nakaka touched talaga. Yung loyalty ni Robin kay President ay hindi sayang because it is reciprocated with kindness. Truly a memorable evening!!! Big big thanks to Senatorial Candidate Bong Go for making the evening possible. 👊🏼 (side kwento I didn’t know hindi pala pwede naka sleeveless… i had to cover my beautiful Carolina Herrera dress hehe 😉 buti na lang may blazer sa car)

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?