329

Feb 4, 2019 @ 22:01
By

Mariel goodbye showbiz na

Foursome ang magiging date ni Mariel de Leon sa Valentine’s Day. Dahil first time niyang makakasama sa isang concert kunsaan, ipapamalas niya ang talento sa pagkanta.

Isa si Mariel sa special guest ni Ogie Alcasid sa “Master of Love” Valentine’s concert with the National Artist, Ryan Cayabyan on Newport Performing Arts, Resorts World.

Kaya foursome dahil manonood din daw ng concert sa February 14 ang mga magulang na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong. At siyempre, ang kanyang non-showbiz boyfriend. After ng concert daw, malamang ay mag-dinner silang apat.

Aprubado sa mga magulang, lalo na sa Daddy niya ang boyfriend na ka-edad lang din daw niya. On and off daw kasi sila dati, pero ngayon, seryoso na raw. May dalawang taon na rin daw sila.

“For now yes, but since I’m moving to New York, let’s see how it goes. I’m the type of person na I’m serious naman but I’ll gonna put myself and my dreams first and if I move to New York, I don’t wanna force him naman to go with me.”

Natawa ito nang sabihin namin na parang pang-test naman niya sa boyfriend ang planong pag-alis.

Yes, plano ni Mariel na mag-aral sa New York ng apat na taon ng Classical Music. Eventually, mas gusto raw niyang maging singer at theater actress kesa maging movie at television actress.

Nang tanungin namin kung bakit, “It’s more of a quiet life.”

Plano rin ni Mariel na mas batang mag-settle down. Twenty-five siya ngayon, so at least daw, before man lang siya mag-thirty.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?