336

Oct 10, 2017 @ 10:42

Mariel de Leon, sinita ng ina sa pag-‘EW’ kay Joey de Leon; Socmed accounts, biglang nag-private

NAKA-PRIVATE na pala ngayon ang Twitter account ni Mariel de Leon, at tinanggal na raw niya ang dating itinweet niya tungkol kay Joey de Leon na meron pang “Ew!”

Sandaling nakausap namin si Sandy Andolong recently at pinuna nga namin ang hilig ni Mariel sa pagti-tweet ng mga sarili niyang pananaw tungkol sa mga isyung napapag-usapan.

Kagaya nitong sa isyu ng depression na pinagtalunan nina Joey de Leon at Maine Mendoza. Marami ang nagkomento na pati ang Eat Bulaga host ay hindi niya pinalagpas na punahin. Meron pang ‘Ew!” na hirit.

Sabi nga ng isang kaibigan, “condemn the action, not the person”.

Nagpakumbaba naman si Tito Joey na humingi ng paumanhin sa mga sinabi niya tungkol sa depression, kaya pinuri na siya rito.

Sabi naman ni Sandy, nagkausap na raw sila ni Mariel at napagsabihan na niya. Nag-post naman daw si Mariel ng sarili niyang pananaw pagtapos mag-sorry ni Tito Joey. Hindi lang namin nabasa dahil naka-private na ito. (Gorgy Rula)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?