243

Oct 25, 2017 @ 13:02

Mariel de Leon nasarapan sa karanasan kay Coco Martin

By ERIC JOHN SALUT

MALAKI ang pasasalamat ni 2017 Binibining Pilipinas International Mariel de Leon kay Coco Martin dahil natupad nito ang isa niyang pangarap — ang gumanap sa isang pelikula. Natapos na ni Mariel ang kanyang mga eksena sa Ang Panday, bilang leading lady ni Coco.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Mariel ng photo kasama si Coco with the caption…

“Thank you so much, Coco for this huge opportunity. Thank you for believing in me and for always being kind. I used to say I didn’t want to act (because I was intimidated by it) but after working with you plus the Ang Panday family, you pushed me out of the my comfort zone and helped me discover a new interest. You really are hardworking and down-to-earth. Sana makatrabaho kita ulit. I’ll never forget this experience. Thank you.”

Base sa feedback na nakuha namin about Mariel, natural ang pagiging aktres nito. Kahit pa sabihing unang acting project niya ang Ang Panday, makikita ang angking talento nito sa pagganap. Na hindi na rin naman dapat pang pagtakhan dahil mula siya sa pamilya ng mahuhusay na artista.

Sakto ang pagtatapos ng shooting days ni Mariel sa Ang Panday dahil nakatakda naman siyang mag-training na para sa kanyang nalalapit na Miss International competition ngayong November.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?