296

Dec 17, 2017 @ 14:33
By

Mariel de Leon ayaw paawat sa maanghang na socmed post

Hindi nangangako si Mariel De Leon na magpapaka-tame na siya sa kung anuman ang nais niyang iposte o i-shout out sa socmed account niya kapag mayroon siyang gustong sabihin kaugnay sa isang issue.

Sasali pa rin raw si Mariel sa mga naglalabas ng kanilang opinyon o saloobin sa hindi nila sinasang-ayunang isyu sa kahit na ano.

Matatandaang ilang beses nang naging controversial ang anak na ito nina Christopher De Leon at Sandy Andolong kaugnay sa mga matatalas nitong komento sa social media account sa mga isyu tungkol sa gobyerno, Joey De Leon at kung anu-ano pa.

Nagdulot ito nang sangkaterbang basher sa beauty queen na sa halip na suportahan sya ng marami, ang ilan dito at natuwa pa nang matalo siya sa nakaraang Miss International.

Kailan lang binakbakan siya ni Inday Sarah Duterte bilang resbak nito sa mga maanghang na posts nang dalaga kay Pangulong Rod Duterte.

Ngayong nasa showbiz na at naga-artista si Mariel, ang tanong namin sa kanya kung magti-tame ba siya sa pagpu-post ng kanyang opinyon sa social media sa isyung gusto niyang bigyan ng importansya.

Sagot niya, “I will still speak out about the things I am passionate about but more of..i’m gonna speak in a more…I guess, not naman tame way pero tiny bit softer way. If I’m really passionate about something I’m gonna speak about it.”

Samantala, umaasa si Mariel na masusundan pa ang kanyang unang sabak sa showbiz bilang leading lady ni Coco Martin sa MMFF2017 movie entry nitong “Ang Panday”.

Desidido na si Mariel na sundan ang yapak ng kanyang mga parents sa showbiz at deadmahin na lang ang possibility na maikukumapara siya sa husay ng kanyang mga magulang sa acting.

Noong una raw kasi talagang ayaw niyang mag-artista sa takot na baka ikumpara ang achievement nya sa achievement ng mga parents nya.

Nang gawin niya “Ang Panday” napagisip-isip raw ni Mariel na gawin ang kung ano ang makakapagpasaya sa kanya at huwag nang alalahanin pa ang sasabihin ng ibang mga tao.

Sa Dec. 25 na po ang showing ng “Panday” na dinerehe mismo ni Coco Martin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?