38

Sep 10, 2021 @ 21:52
By

Maricel Soriano YouTuber na!

YouTuber na ang veteran actress na si Maricel Soriano.

Nitong Biyernes nag-upload siya ng una niyang video sa kanya YouTube channel na MARYA : The Maricel Soriano Channel.

Aminado siyang ninerbiyos siya sa first-ever niyang YouTube vlog.

“‘Yung mga bagets ngayon ‘yung in ‘di ba? Paano naman ‘yung mga 56 na kagaya ko? Paano na ako? If I won’t make it, what will I do?” aniya.

Ilang facts tungkol sa kanya ang ibinahagi niya sa kanyang vlog tulad ng real name niyang Maria Cecilia Dador Soriano at February 25, 1965 ang kanyang birthday

Panoorin ang buong vlog ni Marya:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?