953
ABANTE-TNT-arestado
Mar 27, 2018 @ 20:06
By

‘Maricel Soriano’, 12 pa huli sa droga sa QC

Inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 13 drug suspects, na kinabibilangan ng babaeng kapangalan ng beteranang aktres na si ‘Maricel Soriano’, sa isinagawa nilang magkakahiwalay na police operations sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director, P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mga naarestong sina “Maricel Soriano”, 37; Jerald Sese, 32; Cedric Ferreros, 40; Allan Vivero, 25; David Brianes, 37; Felipe Ladonga, 57; Jao Co, 21; Kenneth Santos, 24; Artemio Espidol Jr., 63; Leah Labios, 49; Carlos Dela Rosa, 26; Vicente Kapulong; at Anthony Baluran, 28.

Ang mga suspek ay sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang si Vivero ay mahaharap rin ng hiwalay na kaso ng paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?