288

Apr 22, 2018 @ 19:58
By

Maricel nai-excite sa acting showdown kina Janice, Eula, Angel

Aminado si Maricel Soriano ang hindi niya pagkapanalo sa 1992 drama film na Ikaw Pa Lang Ang Minahal ang nag-udyok sa kanyang paghusayan pa ang iba niyang proyekto.

“Alam niyo isa ito sa mga pinakapaborito kong pelikula na ginawa. Ayun nga lang hindi ako nanalo. Nakakainis, di ba? Pero dahil sa ganoong pangyayari lalo akong ginanahan gumawa ng pelikula, kaya naman naka-dalawa pa ako sa Reyna films,” sabi ni Maricel sa kanyang maikling speech sa ginanap na red carpet premiere ng kanyang digitally restored at remastered film.

Tunay na mahusay ang naging pagganap ni Maricel dahil palakpakan ang mga manonood sa Trinoma Cinema 7 sa bawat iconic scene ng pelikula. Puno rin ang sinehan lalo na at dumalo pa ang kanyang mga loyal fan. Kaya naman masayang-masaya ang Diamond star sa mainit na pagtanggap pa rin ng manonood sa pelikula nila ni Richard Gomez.

Todo-pasasalamat din si Maricel sa ABS-CBN Restoration Group dahil sa ginawa nitong restoration at sa adbokasiya nila na Sagip Pelikula.

Mapapanood ang Ikaw Pa Lang ang Minahal at iba pang digitally restored and remastered films sa Cinema Classics, isang weeklong restored film exhibition ng ABS-CBN Restoration Group at Ayala Cinemas. Ito ay tatakbo hanggang Martes (Abril 24) sa Trinoma at Greenbelt.

Bukod naman sa restored film, masasabing magkakaroon ulit ng career si Maricel dahil magkakaroon siya ng TV comeback sa Kapamilya network. Ngayon pa lang ay excited na kami sa siguradong showdown ng aktingan sa serye dahil nai-reveal na rin kasing kabilang din sa cast sina Eula Valdes, Janice de Belen, ang bagong Kapamilyang si Ryza Cenon, at syempre, si Angel Locsin!

Hindi na kami makapaghintay dahil siguradong pak na pak na naman ang seryeng ito tampok ang isang all-female powerhouse cast. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?