451
maricel-morales
Sep 21, 2018 @ 19:09
By

Maricel Morales magmamaldita sa MMK

Muling mapapanood sa ‘MMK’ ang veteran actress na si Maricel Morales ngayong Sabado, Setyembre 22. Dito’y isang malditang step-mother ang gagampanan ng aktres.

Bukod kay Maricel, tampok dito sina Mark Neumann, John Arcilla, Nanding Josef, Peewee O’hara, at Yñigo Belen, mula sa pamamahala ni Direk Raz dela Torre.

Kuwento ng aktres, “Iyong role ko rito is stepmom ni Mark Neumann na medyo kontrabida nga. May turning point naman towards the end.

“Ito ay kuwento ni Joseph Salcedo de Leon na pinalaki ng lolo’t lola niya at nakaranas ng hirap sa kanyang stepmom, pero nagsumikap para makatapos at maging isang guro, gaya ng kanyang ipinangako sa lolo’t lola niya.”

Sambit pa niya, “Since 2016, nakakatuwa na lagi akong nabibigyan ng magandang role ng MMK. Nandito talaga sa showbiz ang puso ko. It’s really something that I don’t consider work. Since bata ako, pangarap ko na ito, kaya everytime may project ako, kahit gaano kalaki or kaliit, I put my heart into it.”

Mas challenging ba sa kanya ang kontrabida role?

“Parang mas mahirap ang drama sa lahat talaga, kasi dapat mas intouch ka sa emosyon mo, siguro dahil kailangan lagi available ang hugot mo sa mga eksena. Pero kahit comedy and other genre, may kanya-kanyang challenges din.

“Hindi porke’t comedy or kontrabida ang role ay madali na, kasi when you’re acting, you have to forget kung sino ka and be the person na hinihingi ng script at direktor.

“Pero mas enjoy ako ‘pag kontrabida ang role, kasi mas nalalaro ko and hindi limitado. At madalas mas tumatatak sa tao kapag maldita ang role ko. Even people close to me would tell me mas bagay daw sa akin ‘pag kontrabida ako,” aniya pa.

Wish ba niya na magkaroon ng regular teleserye?

Pakli ni Maricel, “Matagal ko na po hinihingi nga sa VAA (manager ko) na sana magkaroon ako ulit ng regular serye, kasi matagal-tagal na rin na wala. Halos puro guesting lang, pati sa mga seryeng ginagawa ko lately.”

Sa ngayon, bukod sa pag-arte sa harap ng camera ay abala si Maricel sa pagiging BeauteDerm ambassadress at sa pag-aasikaso ng kanyang business na The Cottage Kitchen restaurant sa Angeles City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?