96

Sep 16, 2021 @ 21:38
By

Maricel binulatlat madilim na nakaraan

Isiniwalat ni Diamond Star Maricel Soriano ang pinakamadilim na kabanata ng kanyang buhay.

Sa unang vlog niya sa YouTube, inamin ng veteran actress na may yugto sa buhay niya na nawalan siya ng direksyon kaya sobra ang pasasalamat niya na nabigyan siya ng second chance.

Anang aktres, nagsimula ang pinakamadilim na yugto ng kanyang buhay nang mamatay ang kanyang ina dahil sa cardiac arrest noong 2009.

“Hindi ko matanggap. Nakalimutan kong mag-escape. Ibang escape ang napuntahan ko. Napunta ako sa escape na gloomy, masalimuot, madilim. Mag-isa ka lang. Hindi maganda. Malungkot ako para sa sarili ko,” kuwento ni Marya.

Hindi binanggit ng aktres kung ano ang pinagdaanan niya pero pinagsisihan daw niya ito.

“Pinagsisisihan ko ba? Oo. May part din na okay kasi nadaanan ko at least nasabi kong dinaanan ko pero hindi ako magiging ganito ngayon kung hindi ko dinaanan ‘yon. Naiiyak ako dahil hindi talaga maganda ‘yung pinuntahan ko noon,” aniya pa.

“Every night nandoon ako sa mommy ko tinatanong ko, ‘Bakit kailangan mong mauna kesa sa akin’. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay nang wala ‘yung nanay ko,” patuloy niya.

Nagising daw siya sa kanyang pagkakamali nang mag-worry na ang mga anak niya.

“Kaya nga nahihiya ako sa mga anak ko. Kaya nung nag-worry na sila sa akin doon na ako nag-umpisang magising. Inayos ko ‘yung sarili ko, siyempre tinulungan ako ng mga kaibigan.

“Gusto ko talaga umalis na doon sa dark place na iyon. Kasi kailangan gusto mo, e. Kasi kung ayaw mo, kahit anong gawin ng lahat ng tao, hindi, hindi mangyayari.

“Tinatanong ko kung kaya ko pa bang makabalik (sa showbiz). Pababalikin pa ba ako? Bibigyan pa ba ako ng chance? At ‘yun, nakabalik naman ako,” kuwento pa ng aktres.

Panoorin ang buong vlog niya sa ibaba:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?