117

By

Maricar Reyes sinabi ang lahat ng ‘baho’ kay Richard Poon

Sharing is caring!

SA vlog ni Maricar Reyes-Poon nagkwento siya hinggil sa pano nagstart ang relasyon nila ng crooner singer na si Richard Poon.

Kilala si Maricar na isang silent actress. Kumbaga, very secretive siya. Ina-out niya ang private life once na sa circle na siya ng showbiz. Meaning kapag may ginagawang projects o nasa presscon para magpromote.

Sa vlog niya kamakailan, nag-confess ang doctor-turned-actress regarding sa kanyang nakaraan.

Aniya, “sinabi ko ang lahat ng baho ko. I made some mistakes of my own sa past.”

Ang tinutukoy ni Maricar ay ang nakaraan nila ng ex-bofriend na si Hayden Kho na kumalat sa Internet. Ang maganda sa actress, hindi siya nagsalita kaya agad ding nabura sa isip ng mga tao kung ano man ang kanilang nakita.

Ayon kay Maricar nagdadalawang isip siya kung sasabihin kay Richard o hindi. Pero nanaig ang magiging future niya sa singer kaya tinawagan daw niya si Richard para sabihin ang totoo… ang kanyang sikreto.

“Eventually, tumawag ako sa kanya, and I told him lahat ng baho ko na nakakahiya. Kung ayaw na niya ako after telling him all the things that I wanted to tell him, e ‘di huwag. E ‘di tapos na. At least, before anything got more complicated, nasabi ko na.”

Sambit pa ng actress na dati ay malihim talaga siyang tao. At hindi raw siya mahilig magsabi ng totoo. Kumbaga, hangga’t maitatago ay itatago niya.

“It takes maturity to accept the truth.” Ngayon daw na re-realized na niya ang value ng truth.

Pahabol pa ng actress: “Masarap ang feeling kapag fully known ka, and yet, mahal na mahal ka pa rin.”

Nag-start sa showbiz si Maricar 2008. Kinasal sila ni Richard 2013.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?