198

By

Maricar de Mesa napatunayang hindi baog

Sharing is caring!

Isang malaking achievement para kay Maricar De Mesa ang pagkakaroon niya nang baby. Bukod kasi sa matagal na nyang pangarap ang magka-anak, vindicated siya sa speculations na kumakalat noon na siya’y “baog” kaya hindi siya nabuntis noong mag-asawa pa nila nang cager na si Don Allado.

Sabi ni Maricar, ang pagbubuntis ay isang pagpapatunay lang na wala siyang diperensya.

Apat na buwan na ang anak ni Maricar at inamin niyang malabong bumalik siya sa Amerika para doon manirahan kasama ang baby at ang ama nito.

Hindi itinanggi ni Maricar sa aming interview na may problema sa kanilang dalawa ng ama nang kanyang anak kaya hindi siya nakatira sa States at dito siya naninirahan ngayon.

Ayaw nang maglinaw pa ni Maricar tungkol dito dahil anuman ang kanilang pinaguusapan ngayon ng kanyang ex, yun ay tungkol na lang sa kapakanan nang kanilang anak.

Kaya pala, sagot ni Maricar sa tanong namin kung kailan sila pakakasal nang daddy ng baby niya, ay wala raw siyang plano at ayaw raw muna niya.

Sa kalaunan nang interview sinabi ni Maricar civil at para na lang sa kanilang anak ang connect nila ng nasabing ex nya.

Komo single at maganda pa rin, dagdag pang sexy pa rin si Maricar, may ilan siyang mga kaibigan na gusto siyang i-blind date sa kanilang mga kakilalang eligible single.

Bukas naman sa posibilidad nang dating-in si Maricar at ang bigyan ng chance ang sarili niyang makakilala ng foreigner.

Anyways, balik-teleserye uli si Maricar sa ABS CBN 2. Kailangan raw niyang magtrabaho para sa future ng kanyang baby. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?