149

Oct 27, 2017 @ 10:38

Marian winawasak na naman

By JOE BARRAMEDA

Gustong-gusto talaga ni Marian Rivera ang role niya sa Super Ma’am dahil para sa kanya, it’s another challenge at ayaw niya itong palampasin. Bukod sa panibagong experience, natutuwa siya sa mga stunts na ginagawa niya.

Masaya si Yan dahil tinuturing niya itong playground. Kahit nga raw mahirap ang pagpapalit from Minerva to Super Ma’am, ayos lang dahil nag-e-enjoy siya sa pagbibigay ng quality entertainment sa viewers.

Iba ka talaga, Marian. Wala kang inaastrasan! Bagay sa’yo ang maging isang Super Ma’am.

Good job dahil natalo mo ang mga Tamawo goons. Pero saan naman kaya nagpunta si Keno (Andrew Gan) at iba pang masasamang Tamawos? May panibagong pagsubok na naman kayang haharapin si Super Ma’am?

Well, may mga naglalabasang nega tungkol kay Marian na kesyo nagpa-pack up ng taping na pinasungalingan ng mga taga-production ng Super Ma’am. Ang sipag-sipag nga raw ni Marian at tumutulong pa sa mga promo ng show gaya ng pagsama-sama niya sa mga mall show.

Nairita nga si Andrew Gan sa mga fakes news na naglalabasan. Si Andrew ay kasama ni Marian sa Super Ma’am at gaya ni Marian ay nasa ilalim din ng Triple A.

Ito nga ang sinabi ni Andrew nang makarating sa kanya ang fake news.

“Isang Malaking KASINUNGALINGAN. Honestly, before akala ko ganyan si Ate Yan. (Based sa naririnig ko). Pero ng makasama at makatrabaho ko na siya. Confirmed na hindi totoo ang sinasabi nila.

“Ang totoo niyan, masaya ang lahat kapag nandiyan siya. Sobrang down to earth, kalog at totoong tao. Maliit man or malaking artista same ang treatment ni ate Yan. Proven yan, bilang AKO, na nagsisimula pa lang sa industry na ito. Naramdaman ko yung pagiging totoo at pag mamahal ni ate Yan sa amin.

“Alam namin ang totoo.  At bilang kapatid kita sa Triple A, hinding-hindi ako magsasawa na ipagtanggol ka sa mga naninira at nang-aapi sa’yo. Si God na bahala. Mahal ka namin ate Marian Rivera!”

Alexander Lee nalulunod sa pagmamahal ng Pinoy

Hindi lang sa Metro Manila ramdam ang ‘Korean fever’ matapos i-launch ng GMA Network si Alexander Lee bilang leading man ni Heart Evangelista sa serye nitong My Korean Jagiya. Feel na feel na rin kasi ito sa buong Pilipinas matapos ang heartwarming welcome ng mga Pinoy sa Korean actor sa regional visits niya sa Davao, Tarlac, Naga City, at Pangasinan kasama ang ilang co-stars ng serye.

Last weekend nga, ang mga taga-Bacolod naman ang nagparamdam kay Alexander kung gaano nila ito kamahal at iniidolo.

Ayon pa nga sa ilang Bacoleños na nakausap namin, nakakagulat ang dami ng taong um-attend sa kanilang mall show sa SM City Bacolod dahil punong-puno ang event venue.

Samantalang si Alexander, inaming hindi niya napaghandaan ang pagdagsa ng tao to the point na sobrang overwhelmed siya. At the same time, walang patid ang pasasalamat niya sa mga dumalo para lang makita sila ni Heart.

Dagdag pa niya, sobrang blessed siya sa pagpapakita ng mga Pinoy ng pagmamahal nila sa kanya.

‘Souls’ ni Pacman sa Oct. 29 na

Ngayong October 29 ay magsisimula na ang programa ni Senator Manny Pacquiao na matagal nang hinihintay ng kanyang mga followers, ang Stories of the Souls. May pagka-religous ang mga kuwento na hango sa Bibliya.

“Palagi ko ngang sinasabi ‘Who am I, Lord, kung wala ka?’ Kasi siya talaga ang nagdala sa kung nasaan man ako ngayon. I believe that He put me this far for a purpose and that purpose is for me to glorify His name,” sabi ni Pacman.

‘Pepito’ Hall of Famer na sa CMMA

Gusto namin i-congratulate ang cast and crew ng Pepito Manaloto na nagwagi muli sa Catholic Mass Media Award for Best Comedy Show na naluklok na sa kanilang Hall Of Fame.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng kasiyahan sa mga manonood tuwing Sabado ng gabi sa GMA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?