386

Nov 9, 2017 @ 15:35
By

‘Marian totoong tao!’ — Jeric Gonzales

ISA sa mga love na character na ginawa ni Jeric Gonzales ang role niya raw sa kasalukuyang primetime series na Super Ma’am, pero mawawala na raw siya sa pinagbibidahang primetime series dahil pasok naman siya sa bagong aabangang primetime series din na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Eh, si Jeric ang tila ka-triangle ng dalawa sa bagong serye na so far, untitled pa.

Blessing para kay Jeric na kahit hindi niya natapos ang Super Ma’am, may kapalit naman na ito agad.

Mami-miss daw ni Jeric, hindi lang ang role niya kung hindi ang mismong bida nito na si Marian Rivera.

Ayon kay Jeric na puring-puri si Marian, “Sobrang totoo siyang tao. At home ako roon. Pagdating ko pa lang, winelcome niya ko as family.”

At kahit naging malapit sa puso ni Jeric ang role niya sa Super Ma’am, diretsahan nitong sinabi na ‘mas si Ate Yan’ daw ang mami-miss niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?