656

Dec 9, 2021 @ 16:54
By

Marian todo iyak sa eroplano

Nag-emote sa eroplano si Marian Rivera habang patungo sa Israel noong Martes.

Habang nasa eroplano ay nagkrus ang landas nila ng anak ni Sofia Andres na si Zoe.

Sa Instagram ipinost ni Marian ang litrato habang karga si Zoe at biglang na-miss ang mga anak niya.

“Awww with super cute baby Zoe… Namiss ko tuloy mga anak ko,” sey ni Marian na nilagyan niya ng Loudly Crying Face Emoji.

Dumating na sa Israel si Marian para maging judge sa 70th Miss Universe pageant, na gaganapin ang coronation night sa December 12. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?