126

Nov 1, 2017 @ 9:43

Marian pinarangalan ng Pillar of Hope

By JOE BARRAMEDA

Our Super Ma’am strikes again dahil muli kasing binigyan ng recognition ang bida nitong si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes ng isang international school kamakailan.

All smiles si Yan nang tanggapin ang Pillar of Hope recognition ng Eton International School sa kanilang United Nation’s Day celebration. Ang Kapuso actress, hindi makapaniwala sa panibagong achievement na ito.

Kaya naman through her Instagram, buong puso niyang pinasalamatan ang mga bumubuo nito. Nabanggit din dito ni Yan na hindi siya kundi ang kabataan ang tunay na Pillar of Hope.

“Malaki pong karangalan para sa isang tulad ko na kilalanin bilang isang simbolo o ehemplo ng pag-asa. Pero sa aking puso, alam ko na ang kabataan ang tunay na simbolo ng pag-asa. Sila ang magdadala ng kinabukasan at sila ang magpapatupad ng mga pangarap nating lahat,” sey ni Marian.

Samantala para naman sa kanyang serye, handang-handa na ang isa na namang matinding kalaban ni Super Ma’am dahil nagsimula nang mag-taping si Conan Stevens bilang Baraka. Ayon pa sa mga naririnig namin, isa siyang masamang Tamawo—mind you, isa siyang giant Tamawo—na walang pakundangan kung pumatay.

‘Bubble Gang’ nilunod sa rating ang Lee Min Ho at Jun Ji-Hyun serye

Walang nagawa ang nakakakilig na ending ng Legend of the Blue Sea starring Lee Min Ho at Jun Ji-Hyun nang ipalabas ito ng ABS-CBN noong Friday dahil mas tinutukan pa rin ng viewers ang nakaka-good vibes na episode ng Bubble Gang, ayon sa TV ratings.

Sabi pa ng mga manonood, mas gusto pa rin nila ang gags at stints nina Bitoy na talaga namang hindi magpapahuli sa kung anong trending nowadays. Ito raw kasi talaga ang stress reliever nila after a hectic work week.

Samantala, isa sa mga pasabog ng longest-running gag show para sa kanilang 22nd anniversary ngayong Nobyembre ay ang sultry but sweet magazine cover ng Bubble Gang girls na sina Kim Domingo, Chariz Solomon, Jackie Rice, Valeen Montenegro, Denise Barbacena, Arra San Agustin, Lovely Abella at Arny Ross. May tema raw itong slumber party at cover pa lang, talagang amazing at pasabog ito.

Miguel Tanfelix wagi ng kotse sa ‘All Star Videoke’ 

Bilib talaga kami kay Miguel Tanfelix! Biruin mo, siya ang kauna-unahang All-Star Videoke Champion dahil after 4 consecutive weeks, nakuha na niya ang grand prize na SUV.

Dahil sa perfect na pagkanta niya ng Price Tag, napanalunan niya ang grand prize na brand-new car. Hindi nga raw maipaliwanag ng Kapuso actor ang tuwang nararamdaman sa pagkapanalo nito. Inalala rin ni Miguel ang kanyang mga napagdaanan upang mapanalunan ang papremyo.

“Sobrang dami kong pinagdaanan, sobrang dami kong nakalaban na magagaling, simula pa lang nung first episode hanggang fourth episode. Hanggang ngayon ‘di pa rin ako makapaniwala na by singing, mayroon na akong sasakyan kaya thank you All-Star Videoke and thank you Lord,” say ng Kapuso heartthrob.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?