166

Apr 27, 2020 @ 20:15
By

Marian nagpa-spaghetti para sa mga frontliner

Matapos magluto ng menudo ni Primetime Queen Marian Rivera-Dantes para sa Quezon City General Hospital, spaghetti naman ang inihanda niya ngayon para sa mga frontliner sa UP-NIH at National Center for Mental Health.

Saad nga ng aktres sa kanyang Instagram post, “Another special day in the kitchen as I prepare some snacks for our frontliners at the UP-NIH and National Center for Mental Health. Hope you’ll enjoy this meal I made for you Stay strong and healthy. Maraming salamat sa inyo!”

Mula nga nang sumailalim sa enhanced community quarantine ang bansa ay nagpapahatid na ng tulong si Marian at ang kanyang asawa na si Dingdong Dantes, at hanggang sa ma-extend nga ang ECQ ay wala pa ring patid ang dalawa sa pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng krisis dahil sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?