296

Jun 25, 2019 @ 21:33
By

Marian, mala-diyosa sa unang public appearance matapos manganak

Maraming netizen ang napa-wow matapos masilayang muli si Marian Rivera sa unang public apperance niya matapos manganak kay Baby Ziggy noong April 16.

Dumating si Marian sa renewal of endorsement contract niya sa Kultura Philippines nitong June 25 sa SM Megamall sa Mandaluyong City.

Binahagi ng 34-anyos na aktres sa kanyang Instagram ang kanyang OOTD, na nilagyan niya ng caption na: “Extra girly today for my #KulturaxMarian launch.”

Narito ang comment ng mga netizen:

jomarian032316: Walang kupas napakaganda parin parang di po kayo nanganak.

iamrealcindy12: You’re so beautiful Marian!

chel2408: Ang bangong tignan.

euzm21336: Grabe ka MARIAN , sobrang ganda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?