59

Dec 7, 2021 @ 14:50
By

Marian lumipad na pa-Israel bitbit si Dingdong

Nagtungo na sa Israel si Marian Rivera kasama ang asawang si Dingdong Dantes.

Napiling judge si Marian sa upcoming 70th Miss Universe pageant na gaganapin sa nasabing bansa.

Sa Facebook, nag-post ang aktres ng larawan habang magkatabi sila sa eroplano ni Dingdong.

Nag-post din siya ng video habang hinihintay ang kanilang flight.

“DongYan and Marian’s glam team at the airport Bound for Israel,” sambit ni Marian. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?