198

Dec 1, 2021 @ 16:21
By

Marian judge sa Miss Universe – report

Isa raw sa mga judge ng upcoming 70th Miss Universe 2021 sa Israel si Marian Rivera.

Ayon sa ulat, December 5 daw ang alis ni Marian pa-Israel para mag-judge sa Miss Universe 2021.

Lalo itong umugong nang mag-post ang aktres ngayong Miyerkoles ng larawan na nilagyan niya ng caption na “Honored”, mga emoji na crown at universe, at hashtag na #Grateful.


Nakapag-pictorial na raw si Marian para rito.

Trending si Marian ngayong unang araw ng Disyembre dahil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?