73

By

Marian, Heart malabong mag-krus ang landas – Lovi

Sharing is caring!

Sa opinyon ni Lovi Poe kaugnay sa hindi matapos-tapos na isyu sa pagitan ng kaibigan niyang si Heart Evangelista at Marian Rivera na ayaw pang patahimikin ng kung sino, dapat raw ay kalimutan na ang nakaraan.

Kamakailan sumagot si Heart sa isang basher na nanlait at tinawag siyang baog sa comment nito sa kanyang post.

Sinabi nitong hindi na siya kailanman magiging isang ina at parang ikinukumpara nito ang aktres kay Marian na nabiyaan nang isang anak.

Dito nag-mensahe si Heart at sinabing isang pangyayari sa buhay niya ilang taon na ang nakakaraan na hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang patahimikin ng kung sinuman.

Walang binanggit sa post niya si Heart pero ipinapalagay nang mga nakabasa na ang tinutukoy nito ay ang naging controversy nila ni Marian habang nagsu-shooting sila ng pelikulang “Temptation Island” ilang taon na ang nakakaraan.

Sa presscon ng lalabas na pelikula nina Lovi, Erich Gonzales at Tom Rodriguez na pinamagatang “The Significant Other” na dinirehe ni Joel Lamangan nagbigay ng kanyang opinyon ang Kapuso morena actress.

Bagamat hindi namin binanggit ang pangalan ni Marian sa isyu kay Heart nakuha naman ni Lovi ang nais naming ipahiwatig sa kanya lalo’t kasama sa cast ng “Temptation Island” at piping-saksi sa pangyayari sa dalawang aktres.
Ang intensyon namin ay para malaman kung ano ang pakiramdam ni Lovi sa walang kamatayang controversy sa pagitan ng dalawang GMA 7 prime stars.

Sabi ni Lovi na walang binabanggit na kahit anong pangalan alinman sa dalawang kapwa Kapuso stars, magkakaiba na raw dapat ang dalawang babae na may kanya-kanya nang buhay.

“I think for me women are supposed to be in each other’s teams and I think that’s what Significant Other actually shows. One of the few things. Kasi so I think that’s something relatable in this film
“But then yeah, all I can say is were supposed in each other’s team.

Dagdag pa nya, “I think we all grown ups now. I think I time to move past din.”

Tumangging mag-comment pa ni Lovi sa tanong nang posibilidad na mag-krus ang landas nila ni Marian.
“No, I think it’s something that is not supposed to be talked about.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?