252
views

By

Marian feeling buntis na

Sharing is caring!

Napakaganda ni Marian Rivera (kunsabagay, kailan nga ba siya hindi naging maganda) sa ginanap na launching ng bagong tatlong variant ng ineendorso niyang Hana shampoo. Bukod pa sa bagong TVC nito na sinu­nod mismo kay Marian ang konsepto na malamang, magiging word of mouth na ang ‘Amoy Marian’.

Ginanap ang event sa Manila House Private Members sa BGC. Sosyal-sosyalan ang ganap na may mga model din na imbitado. Present din ang socialite na si Tessa Prieto-Valdes na hindi mapigilan ang paghanga kay Marian.

Hindi nakontento sa picture at gusto raw niya ng video dahil tumataas daw ang mga follower niya kapag kasama ang Kapuso Primetime Queen.

Si Tessa rin ang nagtanong kung wala pa bang plano na sundan si Zia. Sinagot ito ni Marian nang, “To be honest, working on it!”

At saka pa humirit nang, “I hope… meron na! Hahaha! Sana!”

Okey lang din daw kay Marian kung boy or girl ang magiging second baby nila as long as healthy. Pero kung makakahirit naman daw, “Kung makakahirit, sana boy kasi may Zia na ako.

“Para may boy. Pero kung girl, okay lang din.”

Hindi naman dahil sa working on having a second baby kaya mas mauunang magbalik primetime series si Dingdong Dantes kesa kay Marian. Ang dahilan daw talaga, hindi sila puwedeng magsabay na wala para kay Zia.

Nakuwento rin ni Marian na posibleng masundan ang pagdidirek sa kanya ng mister.

Naging mata­gumpay nga ang pagtatambal nilang dalawa bilang artista-direktor sa first anniversary ng Tadhana kaya chika ni Marian, may sinabi na raw sa kanya si Dingdong na gagawin nilang muli sa GMA-7. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?