63

Dec 19, 2017 @ 15:31
By

Marian desidido nang mabuntis sa 2018

NAKATAKDANG mag-renew si Marian Rivera ng kontrata sa GMA 7. Kinumpirma ito ng manager niyang si Rams David ng Triple A at APT Entertainment.

“We are happy to stay as Kapuso,” sabi ni Rams.

Dapat ay magpipirmahan na sila ngayong buwan, pero minabuti nilang palipasin na lang ang Pasko. Kaya baka early next year na ang pirmahan.

Malapit na rin kasing matapos ang Super Ma’am. Kaya ngayon pa lang ay may naisip na ang GMA 7 na kasunod.

“Ang Super Ma’am hanggang 27 ng January, pero ‘pag maganda pa ‘yan baka tumawid hanggang mid of February,” dagdag na say ni Rams.

Pero sabi nga ni Marian, pagkatapos daw ng Super Ma’am, gusto na sana niyang mabuntis, kung ipagkaloob ito ng Diyos.

“GMA naman mabait eh. Sabi nila kung gusto mabuntis sabihin lang, and then the usual, humihinto ang kontrata, tapos babalik na if she’s okay na.

“Pero sabi naman ni Yan, kung ibibigay ng Diyos na magbuntis, okay. Kung hindi, eh ‘di diretso na. Kasi kausap ko na si Ms. Lilybeth (Rasonable), may ino-offer na agad sila for next year. Basta maganda,” kuwento pa ni Rams. (Georgy Rula)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?