60

By

Mariah Carey, nagpapagamot sa Bipolar disorder

Sharing is caring!

Inamin ng sikat na singer na si Mariah Carey na sumasailalim siya ngayon sa treatment para sa kanyang bipolar disorder.

Sa artikulo ng People magazine, sinabi nito na noong una ay hindi siya makapaniwala sa diagnosis na meron siyang bipolar 2 matapos na ma-ospital dahil sa “physical at mental breakdown” noong 2001.

Ang mga mayroong bipolar 2 ay nakakaranas ng depresyon, hypomania o pagiging masayahin at pagiging iritable.

Inamin din ni Carey na matagal niyang itinanggi sa sarili ang kanyang diagnosis at pinili na mag-isa sa takot na mabunyag ang kanyang kalagayan sa mundo.

Tiniyak naman ng 40 anyos na singer na nagpapagamot na siya sa kanyang kondisyon at hindi na siya nabubuhay ng mag-isa.

Umiinom din aniya siya ng medisina at unti-unti nang nagbabalik sa kanyang matagal nang pag-ibig, ang paglikha at pagkanta ng mga awitin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?