169

Nov 9, 2017 @ 17:14

Mariah Carey kakasuhan ng sexual harassment

Isang owner ng securirty company ang nagbabalak na kasuhan ng sexual harassment ang sikat na singer na si Mariah Carey at dahil na rin sa pagtawag sa kanya na isang Nazi, skinhead at white supremacist.

Inihahanda na ni Michael Anello, mayi-ari ng security company na Anello Security and Consulting, ang demanda laban kay Carey dahil na hindi pagbabayad ng service fee sa kumpanya na nagkakahalaga ng $221, 329.51 mula June 2015 hanggang May 2017.

Sabi ni Anello, nangako pa umano ang singer na iha-hire sila ng dalawang taon sa halagang $500,000 subalit hindi ito nangyari.

Sa draft suit na nakuha ng TMZ, sinabi ni Anello na madalas siyang pinapahiya ni Carey at ang kanyang grupo na kasapi diumano ng ibat ibang hate groups.

Sabi pa ni Anello, inimbitahan umano siya ni Carey sa kanyang room sa isang trip noon sa Cabo San Lucas at nakasuot noong ang singer ng see-through negligee.

Pinigilan umano siya ni Carey na lumabas ng kuwarto subalit hindi naman nito idinitalye ang alegasyon ng sexual harassment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?