3

Jul 22, 2020 @ 15:18
By

Maria Ressa naghain ng not guilty sa tax evasion

Naghain ng not guilty plea si Maria Ressa laban sa kinahaharap na ikalimang tax evasion charge sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) kaninang umaga, matapos igiit na harassment lamang ang ginagawa sa kanya.

Si Ressa, 56-anyos na Rappler CEO-Executive Editor at kilalang bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte, ay nahaharap ngayon sa kasong tax evasion na sinasabi niyang pangha-harass o panggigipit lamang ng pamahalaan.

Umapela si Ressa sa Pasig RTC Branch 257 sa sala ni Judge Ana Teresa Cornejo-Tomacruz para sa pagdinig kaugnay sa hindi pagbibigay ng sapat na impormasyon para sa value-added tax (VAT) return ng Rappler para sa second quarter ng 2015 na nagkakahalaga ng P294,258.58.

Matatandaang naghain ang Department of Justice noong October 2018 laban kay Ressa at Rappler Holdings Corp. (RHC) ng five counts of tax evasion na kung saan ay apat ditto ay naihain na sa Court of Tax Appeals habang ang 5th count na CTA’s 1-million-peso threshold ay inihain sa Pasig RTC.

Itinanggi ng Pasig RTC ang mosyon ni Ressa at magpapatuloy ang pagding matapos makapagbayad na ng halos nasa P1 million travel bond sa kinahaharap na kaso.

“The irony here is just for travel bond in this court, which has had different judges to be fair, I’ve already paid a million pesos to be allowed, to be free to travel, to this court…There was one I wasn’t even gone overnight last year and I had to pay half a million pesos in travel bond. This is now, a million pesos is now in this court for my travel bond for an alleged P200,000 violation,” ayon kay Ressa.

Nakapagpiyansa si Ressa sa kanyang limang tax case noong December 2018 habang kinasuhan din si Ressa ng libel at nahaharap sa anim na taong pagkakakulong subalit naghain ng bail na kung saan sinasabi niya na isang suntok umano ang ginawa ng pamahalaan sa pagsira sa democratic freedom ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?