10
malacanang
By

Maria Ressa, lumabag sa batas – Palasyo

Sharing is caring!

Nanindigan ang Malacañang na mayroong nilabag na batas ang Chief Executive Officer ng Rappler na si Maria Ressa kaya’t dapat na panagutan ito.

Inihayag ito ng Palasyo sa harap ng puna ng mga kritiko na paraan ito ng Duterte administration para patahimikin ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Maging ang United Nations Special Rapporteur on Freedom of Expression na si David Kaye ay nanawagan sa gobyerno na ibasura ang kaso kay Ressa.

Pero sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, na si Ressa ay lumabag sa batas kayat dapat na panagutan ito.

Wala aniyang kinalaman sa propesyon ni Ressa ang kaso nito kundi tax evasion na obligasyon sa gobyerno.

“Kailanman hindi nakialam ang Malacañang sa tungkulin ng korte. Para kay Presidente, isa lang ang prinsipyo niya eh. Lumabag ka sa batas eh mananagot ka. Ganoon lang kasimple ‘yun,” ani Panelo.

Wala aniyang kinalaman ang pagiging kritiko man, kaibigan o kahit kaalyado ng Pangulo basta lumabag sa batas ay dapat na malitis at maparusahan kapag napatunayang nagkasala.

“It doesnt matter whether you are a critic, you are friend, you are an ally of this President basta you violate the law then you will be prosecuted,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }