34

Aug 15, 2020 @ 16:19
By

Maria Ressa ‘di journalist, dating PA – Jay Sonza

Hindi raw kailanman naging journalist sa ABS-CBN si Rappler CEO Maria Ressa.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng dating broadcaster na si Jay Sonza na dating personal assistant o PA si Ressa ng nalusaw nang programa ni broadcast journalist Cheche Lazaro.

“Maria Ressa was never a journalist or part of the immediate post-edsa (86-96) abs-cbn radio and television News, under TV News Director Larry Ng, TV News Manager Angelo Castro, Jr. and Radio News & Public Affairs Director & TV Patrol Executive Producer Jay Sonza. She was a PA of the defunct Cheche Lazaro’s program,” ani Sonza.

Dahil sa pahayag ni Sonza ay trending siya sa Twitter Philippines nitong August 15.

Sa kanya namang Twitter account sumagot si Ressa sa viral post ni Sonza.

“Alam niyo, nakakatawa na kayo. Pati ba iyan, mali mali. Director and producer ako ng Probe nung time na iyon. Ano ba kayo – minamata niyo ba ang PA? Ang dating PA ko sa CNN, senior international correspondent na siya,” resbak ni Ressa sa netizen na nang-asar sa kanya at sinabing, “Hahaha @mariaressa PA ka lang pala dati. Langya ka!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?