ABANTE maria ozawa kim domingo most searched

Maria Ozawa, Kim Domingo ‘most searched’ sa Pornhub

Sharing is caring!

Nanguna sa ‘most searched’ na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihang Pinoy sina Maria Ozawa at Kim Domingo, ayon sa data na inilabas ng Pornhub 2017.

Sa talaan ng top porn stars category, humilera sina Maria Ozawa, Mia Khalifa, Kim Domingo, Leah Gotti, at Abbie Tolentino.

Maliban sa tatlong kilalang porn stars na sina Ozawa, Khalifa, at Gotti – si Domingo ay nakilala bilang aktres at model na naging cover na rin ng men’s magazine na FHM, at hindi bilang porn star.

Habang si Tolentino ay Filipina car show model at social media star.

Popular naman sa mga terminong madalas i-search sa porn site ang “pinay”, “hentai”, “pinoy”, “japanese” at “korean”.

Ayon pa sa Pornhub, ang katagang “Anime Hentai” ang mas kinahuhumalingan ng mga Pinoy na i-search sa Pornhub.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?