103

Jan 13, 2022 @ 17:52
By

Maria Ozawa hiwalay na sa dyowang chef

Inamin ni actor-chef Jose Sarasola na break na sila ng porn star na si Maria Ozawa.

Ayon kay Sarasola, napagdesisyunan nilang maghiwalay dahil nahihirapan sila sa long-distance relationship o LDR.

Umuwi kasi sa Japan si Ozawa noong magsimula ang COVID-19 pandemic habang naiwan sa Pilipinas si Sarasola.

“To be honest, wala na kami. It’s been difficult, eh, it’s been very hard. LDR is very hard. We never expect this to be difficult. We tried, ha,” tsika ni Sarasola sa PEP.ph.

Inakala raw kasi nila noon na mawawala rin ang COVID ngunit naging global pandemic pa ito.

“We’re still in contact every day, we call each other, update each other. But as time went by, it just took a heavy toll on the both of us, e. Nahirapan kaming dalawa. Medyo hard na to continue the relationship, parang it’s hard when your partner is not here,” dagdag niya.

Limang taon na sana ang relasyon nina Sarasola at Ozawa nitong Pebrero kung hindi sila nag-break noong Disyembre 2021.

Nilinaw naman ni Sarasola na walang away o third party na involved sa hiwalayan nila kundi nahirapan lang talaga sila sa LDR.

Sa kabila nito ay nananatili naman daw silang magkaibigan ni Ozawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?