74

Maria Isabel Lopez tinanggalan na ng lisensiya ng LTO

Sharing is caring!

Binawi na ng Land Transportation Office (LTO) ng lisensiya ang dating beauty queen at aktress na si Maria Isabel Lopez dahil sa paglabag sa traffic at security protocols nang pasukin nito ang ASEAN lane halos dalawang linggo na ang nakakaraan.

Sa ulat ng dzBB, kinansela ng LTO ang driver’s license ni Lopez at hindi rin ito pinayagang kumuhang muli sa loob ng dalawang taon.

Pinagmulta din ito ng P8,000 dahil sa paglabag sa trapiko.

Matatandaan na tinanggal ni Lopez ang divider cones sa EDSA na nakalaan para ASEAN lane noong Nobyembre 11 para malusutan ang matinding trapik.

Nag-sorry naman si Lopez isang matapos ang insidente at sinabing hindi niya sinadyang labagin ang security protocols noong panahon ng ASEAN Summit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?