66

By

Maria Isabel Lopez, kinastigo ng LTO

Sharing is caring!

Lumutang ang ex-beauty queen na si Maria Isabel Lopez sa Land Transportation Office (LTO) makaraang ipatawag at pinagpaliwanag kung bakit hindi dapat ikansela o isuspende ang kanyang lisensya.

Kasunod ito ng kanyang paglabag sa security protocol nang alisin umano nito ang traffic cones at gamitin an gang lane sa EDSA na nakalaan para sa mga mga delegado ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Dumating si Lopez sa LTO-Law Enforcement Service office ni Director Francis Ray Almora kasama ang mga abogadong sina Katherine Panguban at Maria Sol Taule dakong-alas 10:00 ng umaga kanina.

Sa pahayag sa ni Lopez, hindi naman umano nito ibig na lumabag sa security protocol sa pag-alis ng traffic cones at dumaan sa lane sa Edsa para sa mga delegates ng ASEAN.

“Alam mo sinabi ko naman sa kanila na ang intention ko is simply not to breach the security because I was talking to an MMDA official. If there is an intention to breach security I wouldn’t have to talk to him. You will just go ahead and do what you want,” paliwanag ni Lopez.

“Plus, siyempre, once again I’m apologizing to the people I have inconvenienced, ‘yung public, those people who missed their flights. It was a lapse of judgment on my part,” dagdag pa nito.

Ayon naman sa LTO, ipinagsawalang-bahala ni Lopez ang traffic sign, security protocol sa 31st ASEAN Summit, at nilabag ang Anti-Distracted Driving Act.

Si Lopez ay umano ay “improper person to operate a motor vehicle” dahil inilagay nito sa kapahamakan ang kaligtasan ng publiko at government property.

Ayon kay Almora, hindi pa makapagbigay ng desisyon ang LTO sa insidente dahil hindi nagsumite ng petition paper si Lopez.

“Her lawyers said that they will file a petition paper within the day. But unfortunately Ms. Lopez was not ready with a formal position paper. She just narrated her … the event that transpired according to her appreciation … Sa kanyang side lang po,” ayon kay Almora.

“So we have to require them to submit ‘yung formal po na position paper po nila until this afternoon. At kanilang ilalabas ang desisyon limang araw kapag natanggap na namin ang petisyon ni Lopez,” dagda pa ng opisyal ng LTO.

Nabatid na tila ipinagmalaki pa umano ng ng 1982 Binibining Plipinas Universe at ipinost pa sa kanyang facebook at instagram accounts ang pagtanggal niya sa traffic cones sa EDSA upang magamit niya ang ASEAN at maiwasan ang matinding traffic, nitong Sabado, Nobyembre 11. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?