177

Maria Isabel Lopez pinapatawag na ng LTO

Pinadalhan na ng Land Transportation Office (LTO) ng summon letter ang aktres na si Maria Isabel Lopez dahil sa pagtanggal nito ng traffic cones at pagpasok sa lane na nakalaan para sa mga delegado ng ASEAN Summit.

Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, isasailalim sa masusing imbestigasyon ang aktress na nahaharap sa ibat ibang kaso tulad ng diregarding traffic signs, violation of the Anti-Distracted Driving Act at reckless driving.

Tiniyak naman ni Galvante na ang resulta ng imbestigasyon kay Lopez ay ibabatay lamang sa katotohanan at naayos sa batas.

Nauna nang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board member Atty. Aileen Lizada na inabisuhan na ng DOTr ang LTO na ituloy ang kaso laban kay Lopez.

Sa kanyang Facebook at Instagram noong Sabado, ipinost ni Lopez ang videos nang pagtanggal nito ng divider cones at pinadaan ang kanyang sasakyan na dapat ay nakalaan sa ASEAN Summit delagates.

Ipinakita din nito sa video ang kanyang kasiyahan habang nagda-drive sa lane, habang ang ibang motorista ay binubuno ang trapik sa EDSA.

Humingi naman ng paumanhin si Lopez, ang 1982 Binibining Pilipinas titleholder, sa kanyang ginawa matapos siyang ulanin ng batikos ng netizens sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?