45

Margie Moran ipinuwesto ni Duterte sa CCP

Sharing is caring!

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating beauty queen na si Margie Moran sa Cultural Center of the Philippines.

Si Moran, Miss Universe 1973 titleholder ay dating asawa ni Davao del Norte Representative Antonio “Tonyboy” Floirendo Jr., na kaalyado ni Duterte.

Nilagdaan ni Duterte ang appointment paper ni Moran bilang miyembro ng board of trustees ng CCP noong Enero 4.

Samantala, itinalaga din ni Duterte si retired police director Benjamin Magalong sa Philippine National Oil Company bilang miyembro ng board of directors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?