1,141

Sep 13, 2019 @ 10:37
By

Marcus Adoro, sinampahan na ng kaso ni Barbara Ruaro?

Kinumpirma ng Indie actress na si Barbara Ruaro na kinasuhan na niya ang dating partner na nambugbog sa kanya.

Sa PEP report, sinabi umano ng aktres na hindi pa siya maaaring magbigay ng anumang detalye tungkol sa kaso.

Nakatuon umano siya sa pagrerekober sa pang-aabuso at pagtatama sa lahat ng nangyari sa kanya.

Takot man umano siya ay lalaban siya.

“I promised myself if I’m going to fight for this case, I’m going to do it right. The series of photos posted are just half of the damage done to my body. The internal wounds keep me up night, while my abuser is still running free,” saad ni Ruaro sa isang Instagram post.

“I am very very afraid, but I won’t be silenced by the fear he has instilled. Not this time. I will make sure justice is served,” dagdag pa niya.

Magugunitang nilantad kamakailan ni Ruaro ang mga litrato ng kanyang mga pasa na kagagawan umano ng kanyang partner.

Hindi man tinukoy o pinangalanan ni Ruaro ang salarin, tila ang Eraserheads lead guitarist na si Marcus Adoro ang pinatutungkulan nito matapos niyang i-like ang comment ng isang netizen na si Jeff Toledo na nagtatanong kung si Adoro ba ang nambugbog sa aktres. Maging ang anak ni Adoro ay ni-like din ito.

Nilantad na rin ng anak ni Adoro na si Syd Hartha Chua ang pang-aabuso ng kanyang ama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?