169

Jan 25, 2021 @ 15:12
By

Marcus Adoro initsapuwera ng Eheads?

Tila hindi yata kasama sa isang fundraising event ng Eraserheads ang lead guitarist nitong si Marcus Adoro na abuser umano.

Ang naturang aktibidad ay ikinasa ng Eheads kasama ang ilang sikat na mga OPM band sa bansa upang makalikom ng pera para kay Tita Beth na siyang ‘umampon’ at tumulong noon sa Eheads para makapagbenta ng kanilang mga merchandise.

Kasalukuyan kasing may kanser ang nanay-nanayan ng iconic band.

Sa Facebook post ng Tita Beth’s Carinderia, makikita ang listahan ng mga magtatanghal sa naturang virtual concert.

https://www.facebook.com/104170571650058/posts/109641431102972/

“Kita-kita tayo dito sa FB page na ito, ngayong January 30, 8PM para kay Tita Beth!” ayon sa caption ng naturang post.

Marami naman sa comment section ang naghahanap kay Marcus Adoro, isang musikero at lead guitarist ng Eheads, at nagtataka na tila hindi yata ito naimbitahan.

Enero ng nakaraang taon nang gumawa ng ingay si Adoro sa social media.

Ito ay matapos ikansela ni Arvin Flores, isang curator, ang kanyang gallery show dahil kay Adoro.

Nakasama kasi ang naturang gitarista sa show.

Ayon sa isang netizen, nahaharap umano sa kasong may kaugnay sa ilegal na droga at pang-aabuso sa babae si Adoro.

“Baka sa sobrang busy niyo at di niyo nababalitaan kung sino si Marcus Adoro,” saad nito.

Buhat nito, tuluyang ikinansela ni Flores ang gallery.

Sa parehong buwan, lumitaw din ang anak nitong si Syd Hartha na isa ring musikera.

Aniya, maraming beses na siyang na “harass” ng kanyang ama.

“Hindi lang isang beses na sinaktan niya ako nang pisikal. Tinatama niya ulo ko sa pader; kahit sa harap ng kaibigan ko o kapag nakatalikod nanay ko,” saad ni Hartha noon sa isang pahayag.

Kaugnay nito, naglabas din ang 20-anyos na musikera sa kanyang Instagram ng mga screenshot ng pag-uusap nila ng ama na si “Makoy.”

https://www.instagram.com/p/B2TbWZVntp-/?igshid=gclg7676kwc3

Nananatili namang tikom ang bibig ni Adoro sa mga alegasyong ito.

Wala ring kumpirmasyon kung makakasama ba ang gitarista sa hanay ng mga magtatanghal para sa naturang fundraising event.

Gaganapin ang aktibidad online alas-8 ng gabi, Enero 30.

Kasama sa mga magtatanghal ang bandang Itchyworms at Moonstar88.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?