341
Marcos, unang Pangulo na nag-deliver ng SONA sa Batasang Pambansa
Jul 22, 2019 @ 16:28
By

Marcos, unang Pangulo na nag-deliver ng SONA sa Batasang Pambansa

Nitong Hulyo 22 ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa.

Lingid sa kaalaman ng ilan, unang pinasinayaan ang Batasan noong Hunyo 12, 1978.

Si dating Pangulong Ferdinand Marcos ang kauna-unahang Presidente ng Pilipinas na naglahad ng SONA niya sa Batasan.

Mula noon, lahat ng sumunod sa kaniyang Presidente ay nag-deliver na ng SONA sa rostrum ng Batasan.

Ang mga naunang naging Pangulo ay nag-deliver ng kanilang SONA sa anim na venue gaya sa session hall ng old legislative building sa Maynila na ngayo’y National Art Gallery na ng National Museum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?