354

Sep 26, 2021 @ 18:34
By

Marcos takot kay VP Leni – Gutierrez

Sinagot ng kampo ni Bise Presidente Leni Robredo ang naging banat ng tagapagsalita ni dating senador Bongbong Marcos na ‘pointless’ ang hamon ng pangalawang pangulo na one-on-one sa 2022 elections.

Sa ulat ng One News, minaliit ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, ang pahayag ni Robredo na one-on-one laban sa dating senador sa 2022.

Ani Rodriguez, pointless ang hamon ng bise presidente dahil bigo nga ito sa kanyang unity talks at sa halip ay nagsitakbuhan pa bilang pangulo ang kanyang mga nakausap.

Kaya naman, nagpatutsada ang tagapagsalita ni Robredo na si Barry Rodriguez at sinabing takot si Marcos sa one-on-one laban kay Robredo dahil tatlong beses na itong natalo.

“Talo sa 2016 election, talo sa recount, talo ang protesta. Para sa isang tatlong beses nang talunan andami pa ring sinasabi,” pahayag ni Gutierrez sa kanyang tweet ngayong Linggo.

“Malinaw na naman kung bakit takot na takot sila kay Leni Robredo; kung tatlong beses ka nga namang tinalo, aatrasan mo na rin diba?” dugtong pa nito.

Sina Robredo at Marcos ay nagharap noong 2016 sa vice presidential race kung saan inungusan ni Robredo ang pambato ng ‘Solid North’ sa dikitang labanan. (MJD)


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?